(Galing dito ang larawan: http://sonnietrotter.com/2008/02/)
Dito, ngayon,
Kung saan nakatanghod ang buwan
Sa magagaslaw na mga kaluluwa.
Kung saan ang dagat ay sinisinagan ng kapirasong liwanag mula sa langit---
Tila mandirigmang hindi mapayapa
Sinusugod ang bato sa dalampasigan
Binibiyak, kinakawawa.
Subalit pagtatalik ang tingin ng bato
Sa pagsugod sa kanya
Sa pagbiyak, pagkawawa ng dagat
Na di mapayapa
Dito, ngayon,
Kung saan nakatanghod ang buwan
sa magagaslaw na alon ng dagat.
May mga kaluluwang sinisinagan ng kapirasong liwanag mula sa langit---
Nakikipagdigma, hindi mapayapa.
Kumakapa ng tunay na ligaya
Sa mga batong binasa ng luha.
No comments:
Post a Comment