Pagkatapos ng Pasko ang bertdey ko. Nung bata ako, ang "handa" laging advanced -- Dec. 25 ng madaling-araw, kasabay ng Pasko. Daw. Ewan kung totoo yun, o pampalubag-loob lang sa 'kin para masabing may handa 'pag birthday ko. Anu't ano man, hindi ko na rin naman na napansin yun dahil sa mga ganong panahon laging maraming pagkain... saka, hindi ko rin hilig ang handaan kahit nung bata ako... saka, maraming masasaya tuwing Disyembre para mapansin pang may isang nagsasaya dahil kaarawan niya (tsing!)... saka, ano bang masaya 'pag bertdey? (tsk!)
May isa akong kaibigang naghahanda parati 'pag bertdey niya, at istriktong sa mismong date ng kaarawan niya. Nung nag-invite siya, weekday yun kaya kinumbinse ko siyang gawin na lang sa weekend ang celebration, para maka-attend ang mas marami sa mga nagmamahal niyang kaibigan. Ayaw niya. Ang sa kanya, kaya nga birthday. (Okay...) Sabi naman ng isang "alagad ng Diyos" na kumatok sa bahay namin dati, hindi raw kaarawan ang dapat na ipinagdiriwang kundi ang kamatayan at ang silbi ng buhay sa iba. Tama siya. Pero naisip ko lang yung mga teleserye sa TV (na dati tumatagal ng tatlo hanggang apat na taon) na sa buong panahon ng kwento, tadtad ng hinagpis ang nararanasan ng bida --- sa bandang hulihan na lang sumasaya --- sa bandang hulihan, kung kelan 30 minuto lang, wakas na. Ganun ba ang buhay?
Kung ano ang meron pag bertdey e yun siguro yung parang espesyal ka sa lahat. (O baka yun lang ang tingin mo sa sarili mo?) Pero pano kung kabaligtaran nun ang nararamdaman mo? Sabi, pagpapasalamat din yun dahil isang taon pa ang nakalipas na ibiniyaya sa iyo ng Panginoon. Para sa mga taong nakakalimutang magpasalamat na sa bawat araw e may milagro pa, ano ang halaga ng pagpapasalamat isang beses sa isang taon? Siguro, eengot-engot na naman ako para hindi lubos na maunawaan yung isang simpleng konseptong ipinagdiriwang ng maraming tao sa mundo, noon pa man (o baka yun din mismo ang tinatalikuran ko?) Uhm, baka balang-araw, maintindihan ko rin ang konseptong yan.
Kung merong nasa isip ako ngayon, yun ay ang mga bagay na natutuhan ko sa nakaraang taon. Pero sa susunod ko na lang siguro sasabihin yun, kasabay ng listahan ng mga plano at new year's resolution ko.
Singit lang 'to. Mahaba na ang mga nasabi ko at naalala ko nang may dapat akong tapusing uwing trabaho. Magpapasalamat na lang ako sa mga nakaalala sa akin nung araw na yun. Pasensya na, hindi ako nagreply sa mga bumati. Alam niyo na kung bakit. Dito na lang, special mention kayo...
'te bea. heidi. cez. elinorsk. abby. berto. zey. lizel. angela. tavernsk. m' ochie. marcos. marlon. 'te angel. yayi.
SALAMAT NANG MARAMI! May premyo kayo sa akin --- ang hinahangad ng lahat (ewan ko ba!) ---- TESTI! Hehe! Jokes. (*-*)

No comments:
Post a Comment