Friday, March 21, 2008

NAG-IISA, WALA KA NA

Noel Cabangon

papalubog na naman ang ilaw
nagpapaalam na naman ang araw
ang gabi ay muling mamayani
at ang lamig ay hahaplos sa pisngi

ilang araw na ang lumipas
magmula nang ika’y magpaalam
ilang gabi na ang nagdaraan
ang pag-iisa’y ‘di na ‘di na makayanan
ngunit kailangan kong indahin ang lamig ng gabi
ngunit kailangan kong tanggapin wala ka na sa tabi
nag-iisa, wala ka nawala ka na, nag-iisa

ala-ala’y nagbabalik sa aking isip
mga larawan ng bawat sandali
pag-ibig nating sinumpaan
ipinangako sa liwanang ng buwan

ngunit kailangan kong indahin ang lamig ng gabi
ngunit kailangan kong tanggapin wala ka na sa tabi
wala ka na, nag-iisa
nag-iisa, wala ka na

ngunit kailangan ko nang masanay
at tanggapin na lumisan ka na ng tunay
ang lahat lahat ay bubuti ang pag-ibig ay mananatili
lagi’t lagi hanggang sa walang hanggan.

No comments: