Saturday, April 19, 2008

Kay Noli

(mula sa images.google ang larawan)

Sabi sa seminar na minsan kong dinaluhan, hindi nagiging “tula” ang isang tula dahil lang sa tugma. Ganito ang naiisip ko sa tulang ito. Hindi siguro kasinghusay ng sa iba. Maraming kulang na elemento. Wala namang buong sinabi, dahil maraming hindi sinabi. Pero, alay ito para sa akin. At ako, bilang pinag-alayan ay nakaaalam ng kwento sa likod ng tula.

Kung iisipin, sa pagitan naming dalawa, mas marami akong angal sa mundo. Kaya palagay ko, mas may sinabi ako kung ako ang magtatanong ng “Bakit Ganito sa Mundo?”

Sa kanya, na nag-alay ng tulang ito para sa akin, lagpas isang taon na ang nakaraan — Salamat! Kahit iba na sa kasalukuyan ang mga pangyayari, nasa magkabilang dulo man tayo ng lubid… kahit ngayong alam mo na ang kasagutan, nag-iba man ang mundo… hindi pa rin kita iiwan. Gaya ng pangako ko sa iyo. At pangako mo sa akin.
Minsan, dalaw ka na lang sa mundo ko.

No comments: