Wednesday, March 7, 2012

Bigwas


Mula rito ang larawan.

Natagpuan ko ang sarili kong nakatulala kanina. Isip ako nang isip kung paano ko isisiksik sa nalalabing dalawang araw ng linggo ang pag-aayos ng manuskritong gawa ng isang mediocre writer. Pasensya na kung may tunog ng panlalait ang nauna kong pangungusap.

Sobrang nakaaasar lang talaga. Nakababaliw kasing isipin kung paano mo gagawing libro ang isang manuskritong bawat pahina ay punong-puno ng problema ang pagkakasulat. Humahapdi na ang mga mata ko sa kababasa ng mga manuskritong binabali-baliktad para maiayos. Mas malala pa ang problema kung walang maibaliktad kaya kailangan mo pang magsulat sa halip na mag-edit lang. Halos hindi ko na maigalaw ang mga daliri ko sa kata-type ng mga talatang ang awtor sana ang nagsulat.

Kaya ngayon, gusto kong sabihin: Kapag nangarap kang makapaglathala ng librong ipapangalan sa iyo, una sa lahat, dapat ay manunulat ka, o kahit man lang sana ay nangarap ka munang maging manunulat at pinaghusay mo ang sarili mo para magawa iyon. Hindi ka nangangarap ngayon lang at bukas sa paggising ay manunulat ka na agad. Alam mo rin sana kahit man lang ang basic grammar rules at sentence construction.

Hindi junk shop ang isang publishing house. Mga editor ang nakikita rito at hindi mga basurero.

Kung ikaw ang awtor ko at naligaw ka sa blog na ito, salamat naman dahil umabot din sa iyo ang bigwas ko.

2 comments:

Anonymous said...

Sa pakiwari ko ay nanginginig ka sa galit habang isinusulat mo ito. Ngunit tama ka, ang pagsusulat ng isang aklat ay hindi biro. Mahirap itong gawin. Kailangang wasto ang mga ilalagay rito. Kailangang alam na alam ang isinusulat.

Makabuluhan ang blog ninyo. Dapat ay mabasa rin ng iba ito. Maraming salamat.

Noli said...

Soooobrang naaasar lang talaga ako sa ini-edit kong manuscripts. Kaya dito ko na lang inilabas. Hehe. Pasensya na lang at ikaw pa ang nakasalo. Hahaha!

Salamat pala sa pagbabasa. Balik ka ha. Hehe.